Gabi-gabi dinudugo ako, ewan ko ba kung sakit na to at malapit na ko mamatay (katok sa kahoy). As in gabi-gabi talaga, bago ako matulog dinudugo ako. Nakakatakot isipin baka may malalang sakit na ko o baka di malala pero nakamamatay. Ayoko pa mamatay, marami pa kong magagawa sa buhay. Sino na magtutuloy ng Brainloops? Sino na ang magiging maestro ng real life usapan? Badtrip.(katok san kahoy, wait bilangin ko lang… 1,2 3.. oo 3 nga.)
Ano nga ba talaga tong mga dugong ito, kasalanan ba ng kung ano o kasalanan ko? So ano kelangan ko gawin mga kaibigan? Magpapatingin ba ko sa doctor o palitan ko na toothbrush ko?
Gabi-gabi nalang talaga nagdudugo gums ko, masama ba yun? Actually, masama yun, dugo yun e. (so kung ganun, masama yung lumalabas sa babae buwan buwan? di naman siguro) O baka sa toothpaste? Colgate toothpaste ko e, wala namang problema sa Colgate. Ay putang ina, sa toothbrush nga! Colgate din kasi toothbrush ko, FAKE! Kaya dugo ng dugo gums ko, parang sand paper gamit ko kapag nagtotoothbrush.
Tama, toothbrush nga. Kaso tinatamad ako bumili ng toothbrush sa tindahang malapit. Sino gusto magdonate?