Journal de Vie

for my senselessness, randomness, and individuality.

*Click each post to see comments on that particular post.

By the way, all of the posts and stories here are written with exaggeration, for it to be funny and somewhat entertaining. And please do not take this blog seriously, all are just for fun. Thanks!
January 10, 09

Ay na-utot?

Pano kung sa gitna ng paguusap niyo ng crush mo, na-utot ka?

Tatawa ka ba?

Unahan mo kagad ng tawa para mukhang joke lang, at maisip niyang pagtawanan lang din. Para di awkward.

mamumula?

Mahiyain ka no? Eh wala ka talaga magagawa, pagtatawanan ka niya ng malupet. Kung ako sayo, maghanap ka na ng ibang crush.

magagalit?

Malamang close na talaga kayo, kasi kung hindi bobo ka sigurado. Ay, kahit pala close na kayo ang bobo lang talaga kung magagalit ka. Pero, utot mo nga naman yun. Eh bahala ka, buhay mo yan.

ngingiti ng alanganin? (smile awkwardly, alam kong mahirap kasi basahin, at baka may mga anak ng mapera dito.)

Patay, mabaho na ung hangin mo, mabaho pa itsura mo. Wag ka na kaya lumabas ng bahay?

aalis?

Walkout? Ano to senado? Pero pwede rin, malamang bukas iba na kasama mo.

magbebeatbox?

Matalinong nilalang ka nga. Naisip mo pa yun? Palakpak, palakpak.

Comments (View)